
Puspusan na ang paghahanda nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado para sa kanilang pagsasama sa isang teleserye na mapapanood sa GMA Network ngayong taon.
Sa katunayan, sumabak na sa target shooting sina Dennis at Jennylyn dahil parehong pulis ang gagampanan nilang karakter.
"Kanina ninenerbyos pa ako pero unti-unti, kahit New Year kasi nagtatago talaga ako, hindi ko kaya 'yung mga fireworks, 'yung blastings, putok, ganyan, kaya medyo ninenerbyos talaga ako," pag-amin ni Jennylyn sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.
Dagdag ni Dennis, "Pero ngayon, unti-unti, nagiging komportable kami, naturuan kami kung papaano mag-handle, 'yung mga safety [precautions] na kailangan mong tandaan kapag gagamit ka nung mga ganung klaseng weapons."
"Once na natutunan mo naman na at nalaman mo na 'yung importante, mababawasan na 'yung kaba mo."
Kasama rin nina Dennis at Jennylyn sa target shooting ang kanilang co-stars na sina Allen Dizon, Joross Gamboa, John Vic de Guzman, Kiel Rodriguez, Seb Pajarillo, at James Lucero.
Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras DITO:
Bago ang inaabangang teleserye na 'yan nina Dennis at Jennylyn, mapapanood muna sila sa pinagbibidahan nilang pelikulang Everything About My Wife ), na mapapanood na sa mga sinehan sa February 26.
RELATED GALLERY: Jennylyn Mercado, nagduda sa intensiyon ni Dennis Trillo no'ng yayain siya magpakasal?