
Abala ngayon ang actress at singer na si Vina Morales sa kanyang comeback project sa Kapuso network.
Ayon sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, ibinahagi ng seasoned artist na nami-miss niya ang pag-perform sa big concerts ngunit aniya'y masaya ang aktres sa kung ano ang mayroon siya ngayon.
Dagdag pa ng celebrity mom, mas pokus siya sa pag-arte.
“Nami-miss ko 'yung big concerts talaga. But siguro for now, I'm just happy for what I have. Kung ano 'yung mga projects na meron ako, one at a time. Kasi ngayon siguro mas nagfo-focus ako sa acting, why not 'di ba? And I was also working last year for doing concerts abroad,” kwento niya.
Bukod sa kanyang showbiz career, maligaya raw si Vina pagdating sa kanyang personal na buhay.
Aniya, “I'm very happy with what's going on with my life. I'm happy that I have my Ceana. Alam mo naman 'yung anak ko, napakabait din. Can you imagine, mag-16 na 'yung anak ko pala, sweet 16. And my family, we're healthy, 'yun ang pinaka-importante.”
Panoorin ang buong panayam kay Vina Morales sa video sa ibaba.
Samantala, bibida si Vina Morales sa upcoming GMA drama series na Cruz vs. Cruz.
TINGNAN ANG AGELESS BEAUTY NI VINA MORALES SA GALLERY NA ITO.