GMA Logo jennylyn mercado and dennis trillo
Source: dennistrillo (IG)
What's Hot

Dennis Trillo, pinagbabawalan ba si Jennylyn Mercado na makipag-kissing scene sa ibang aktor?

Published February 23, 2025 4:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

jennylyn mercado and dennis trillo


May sagot si Jennylyn Mercado kung may kissing scenes sila ni Sam Milby sa rom-com film na 'Everything About My Wife,' kung saan katambal niya ang kanyang asawang si Dennis Trillo.

Mapapanood sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa rom-com film na Everything About My Wife na unang pelikula nila bilang mag-asawa.

Sa pelikula, gaganap din silang mag-asawa. May marital problems sila sa Everything About My Wife dahil sa attitude ng character ni Jen na nagngangalang Imogen.

Feeling trapped si Dominic, ginagampanan ni Dennis, sa kanilang marriage ni Imogen kaya mapipilitan siyang sumangguni sa kilalang casanova na si Miguel, na ginagampanan ni Sam Milby, para mapaibig si Imogen nito.

Hindi na bago ang tambalang Jennylyn at Sam sa pelikula. Sa katunayan, bumida sila sa 2015 rom-com film na The Prenup.

Sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update, tinanong ng batikang komedyante at talent manager na si Ogie Diaz kung may kissing scenes ba sina Jen at Sam sa Everything About My Wife.

Simple lang ang sagot ni Jen para ma-curious ang moviegoers. Ika niya, "Kailangan nila manood para malaman."

Sundot na tanong ni Ogie, may patakaran ba sina Jen at Dennis sa tuwing kailangan nilang gumawa ng intimate scenes kasama ang kanya-kanya nilang co-actors?

Mabilis na sagot ni Dennis, "Wala naman, walang naglilimita lalo na sa trabaho."

Paliwanag ng aktor, aware sila pareho ni Jen sa kanilang trabaho at propesyunal sila pagdating dito.

Dugtong ni Dennis, "Siyempre, artista kami pareho. Naiintindihan namin 'yung mga ginagawa ng isa't isa. Wala namang personalan do'n. Kung nire-require naman ng eksena gawin 'yon, siyempre, 'pag maselan, pinag-uusapan naming mag-asawa bago gawin."

Ayon naman kay Jen, may boundaries na siya sa pagpapasexy gaya ng pagsusuot ng two piece onscreen lalo na't may asawa at dalawang anak na siya.

Dagdag ng aktres, "Saka 'yung script, nakukuha namin agad. 'Pag nabasa namin, [pwede naming masabi na] parang 'di na ako 'to. Parang dati kaya ko pa 'to pero, ngayon, parang 'di ko na yata kayang mag-topless."

Mapapanood ang Everything About My Wife sa mga sinehan simula February 26. Collaboration ito ng CreaZion Studios at GMA Pictures, kasama ang Glimmer Studio.

Related Gallery: Can love heal all wounds? Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, and Sam
Milby answer