
Kung dati ay sinasamahan lang ng isang ina ang anak niya sa trabaho noong bata pa ito, ngayon ay mismong siya na ang haharap sa camera.
Bata pa lang ang anak ay kilala na ito ng publiko dahil sumali ito sa isang reality talent competition kung saan siya ang first runner-up.
Matapos ang ilang taon, ang ina naman ang sumikat online dahil sa kanyang cooking videos at sa kanyang katagang ginagaya at pinag-uusapan ngayon sa social media.
Sikat na sikat ngayon ang ina kaya naman hindi magtatagal ay mapapanood na rin ito sa telebisyon bilang guest star ng programang pinagbibidahan ng kanyang anak.
Sino kaya ito? Tumutok lang sa GMANetwork.com para malaman ang sagot.
Okay na 'to!