
Puno ng saya at good vibes ang recent birthday get-together para sa mga Sparkle artist na ang kaarawan ay January, February, at March.
Kabilang na rito ang StarStruck Season 7 First Princess na si Lexi Gonzales, na mapapanood sa upcoming GMA drama series na Cruz vs. Cruz.
Matatandaan na ipinagdiwang ni Lexi ang kanyang kaarawan noong February 23.
Sa “Chika Minute” report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, grateful ang aktres na napagsasabay ang kanyang pag-aaral at trabaho bilang artista.
“Iba rin ang may degree, iba 'yung talagang may pinag-aralan, kaya tinataguyod natin. Ako pinipilit kong makapagtapos alongside with working. I'm really grateful na nagagawa ko ito, also with the help of Sparkle,” aniya.
Kasalukuyang college student si Lexi na kumukuha ng degree in communication.
Bukod dito, kamakailan lamang ay in-upload ni Lexi ang mga larawan niya mula sa kanyang birthday photoshoot, kung saan siya ay nakasuot ng gold, glittery gown.
Nakatanggap din ang aktres ng pagbati mula sa kanyang fellow Kapuso stars at netizens.
RELATED: Lexi Gonzales is radiant in her birthday shoot
Panoorin ang buong “Chika Minute” report sa video sa ibaba.