
Sa Kapuso Mo, Jessica Soho, dalawang matagal nang pinaghahanap na meteorite na bumagsak sa Pilipinas, naibalik na sa Pilipinas.
Makumpleto na kaya ang pitong meteorites na kumpirmadong bumagsak sa ating kalupaan?
Samantala, may isang asteroid na 'sing laki ng gusali na pwede raw tumama sa ating planeta sa taong 2032.
Meron ba tayong dapat ikabahala?
Saang bansa kaya ito maaaring tumama? Maapektuhan ba ang Pilipinas?
Kasama kaya sa posible nitong bagsakan ang Pilipinas at may dapat nga ba tayong ikapangamba?
Ayon kay Dr. Marc Caesar Talampas, director ng Philippine Space Agency, "May mga reports na hinahalintulad naman talaga 'yung impact niya to nuclear detonation sa atmosphere.”
“'Yun pong probability na babagsak sa lupa ang asteroid na ito, nasa three percent. Bagamat may posibilidad, wala pang dapat ikaalarma kasi napakaliit din ng tyansa niya ngayon na tumama. May mga eksperto na nag-estima kung saan siya tatama, 'yung tinatawag na risk corridor, kung saan pwedeng mag-impact itong asteroid na ito. Sa ngayon po, wala po ang Pilipinas doon,” paliwanag pa niya.
Patuloy na panoorin ang Kapuso Mo, Jessica Soho, tuwing linggo, 8:15 p.m. sa GMA Network.
Panoorin ang buong video sa ibaba.