GMA Logo Gabby Concepcion
Courtesy: concepciongabby (IG)
What's Hot

Gabby Concepcion, may bagong proyekto sa GMA

By EJ Chua
Published February 26, 2025 4:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino says holidays have been 'heartbreaking': 'Kakayanin ko pa ba?'
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Gabby Concepcion


May pahapyaw si Gabby Concepcion tungkol sa kaniyang bagong proyekto sa GMA Network.

Ready na sa kaniyang bagong project ang seasoned actor na si Gabby Concepcion.

Sa naging panayam ni Lhar Santiago kay Gabby, nagbigay ng ilang detalye ang huli tungkol sa isang palabas sa GMA na ayon sa kanya ay alam na niya ang istorya matapos idaos ang story conferences para rito.

“Tapos na 'yung storycon, napakinggan ko na and I like it. Mayroon lang akong suggestions ang ganda and nung nagkaroon kami ulit ng storycon, medyo kumapal. Kapag ganyan na, tuluy-tuloy na 'yun,” pahayag niya.

Ayon sa report ni Lhar, may mga eksena sa naturang palabas na nakatakdang kuhanan abroad.

Ano kaya ang title at istorya ng bagong acting project ni Gabby?

Samantala, kilala ang 60-year-old actor sa Philippine entertainment industry bilang Timeless Heartthrob.

Pumasok siya sa mundo ng showbiz sa edad na 15 years old at hanggang ngayon ay patuloy siyang minamahal ng maraming Pinoy viewers at kaniyang loyal supporters.

Ibinahagi niya kamakailan lang na nag-enjoy siya sa naging bonding nila ng kaniyang fans at umaasa siyang sana ay maging madalas ang ganitong event.

Matatandaang napanood siya sa My Guardian Alien noong 2024, kung saan nakatambal niya ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Related gallery: My Guardian Alien: At the wedding of Carlos and Grace