GMA Logo David Licauco
What's Hot

David Licauco, mapapanood bilang diakono sa pelikula

By Maine Aquino
Published February 27, 2025 6:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Abangan ang bagong proyekto ni David Licauco sa GMA Pictures.

May bagong kaabang-abang na proyekto ang Kapuso actor na si David Licauco ngayong 2025.

Sa post ng GMA Pictures, ipinasilip ang bagong role na gagampanan ni David. Saad sa caption nito, "From Pambansang Ginoo to diakono ng mga parokyano."

Karugtong nito ay ang tanong na, "Kung si David Licauco ang magdadala sa'yo sa tamang daan, sasama ka ba?"

A post shared by GMA Pictures (@gmapictures)

Saad sa post ng GMA Pictures, si David ay bibida sa pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan. Ito ay mapapanood na sa April 19.

Nitong Enero, masayang nagkuwento si David tungkol sa pelikula kung saan makakasama niya ang iniidolong aktor na si Joel Torre.

Ani David, "Seeing him as an actor ay napakagaling. In fact, kanina mayroon na akong nakita na puwede kong matutunan. Puwede kong i-apply sa the way I act also."

Bukod kay Joel Torre, makakasama rin nila sa Samahan Ng Mga Makasalanan ang Sparkle child star na si Euwenn Mikaell, Sanya Lopez, Betong Sumaya, Chariz Solomon, Buboy Villar, at marami pang iba.

Abangan si David sa Samahan Ng Mga Makasalanan sa April 19!

SAMANTALA, BALIKAN ANG COOLEST TRAVEL PHOTOS NI DAVID: