GMA Logo Cloud 7 mediacon for nasa cloud 7 ako benefit concert
What's Hot

Cloud 7, malaki ang respeto para sa SB19: 'Siyempre sila ang Kings'

By Gabby Reyes Libarios
Published February 28, 2025 11:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring cloudy skies, rains over parts of PH on Monday, Dec. 15
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

Cloud 7 mediacon for nasa cloud 7 ako benefit concert


Kung mabibigyan sila ng pagkakataon, nais rin ng Cloud 7 na maka-collab ang SB19.

Pawang paghanga and respeto ang ibinibigay ng rising P-pop boy group ng Sparkle na Cloud 7 para sa sikat na grupo na SB19.

Sa naganap na media conference para sa "Cloud 7: Nasa Cloud 7 Ako - Heartbeats for a Cause with Marianne Bermundo," isang post-Valentine's Day benefit concert na gaganapin sa Music Museum mamayang 7 p.m. (Feb. 28), aminado ang mga miyembro na sina Egypt, Fian, Lukas, Migz, Johann, PJ, at Kairo na deserve ng SB19 na kilalanin bilang mga trailblazer na nagbukas ng pintuan para sa iba pang P-pop acts.

"I think, at this moment in time, hindi pa po namin gustong ma-compare sa SB19 po," pag-amin ni Julijo Lukas Garcia, o mas kilala bilang Lukas.

Pagpapatuloy niya, "Siguro po sa ibang P-pop groups, ready naman po kami, kasi we have that energy and youth too na pwede kaming makisabay sa kanila. Pero sa SB19, we respect them. Sila po ang nag-pave ng way for P-pop and other OPM [acts]. Siyempre po, we bow down to our Kings, sa mga nauna po, and we give them our respects po."

Bukod sa malaki ang kanilang paghanga sa SB19, pinapangarap rin ng mga miyembro ng Cloud 7 na makatrabaho ang sikat ng P-pop group, lalong lalo na si Stell.

"Gusto ko pong maka-collaborate si Coach Stell, and yung members of SB19," sabi ni Egypt.

Dagdag ni Lukas, "Gusto ko po rin po maka-collaborate ang SB19, si Kuya Josh Cullen po."

Para kay Johann Nepomuceno, naging malaking influence din sa kanya si Zack Tabudlo, ang Pinoy singer-songwriter na nagpasikat ng kantang "Pano" at "Give Me Your Forever."

Sabi naman ni Johann, "Inspiration ko po talaga sa boses si Zack Tabudlo, so hopefully, sana mag-collaborate po kami."

Nang tanungin naman ang Cloud 7 tungkol sa tuluy-tuloy na pagsikat ng kanilang grupo, hindi pa rin makapaniwala ang ilan sa kanila.

Sagot ni Kairo, "Overwhelmed po kami sa suporta na naggagaling sa fans namin, sa mga Rainbows (fans). Very thankful po kami sa kanila kasi sinuportahan nila kami kaagad kahit na po kakasimula lang po namin. Sana po makasama namin sila nang matagal pa."

Dagdag ni Lukas, "We continue our genuineness and our being very interactive with our fans po. We just want to continue to be us, during our mall shows, our concerts, during our lives in our social media platforms. That's what our fans love about us.

Para sa nag-organize ng concert na si Richard Hinola, malaking bagay na may magaling na publicist ang isang grupo, tulad na lang ng team sa likod ng Cloud 7.

"Maraming gustong mag-artista. That's why sinasabi ko nga sa kanila, it's not the station --- it's the exposure, it's the publicity, it's the social media."

Dagdag pa ni Richard, na minsan na rin humawak ng mga karera nina Angela Velez at Keana Reeves noong araw, "Kahit nasa GMA ka, o nasa ABS ka, kapag wala kang publicist, wala ka namang magaling na manager, frozen delights ka. That's the reality."

Excited na makasama ni Marianne Bermundo ang Cloud 7 sa stage.

Para naman kay Yancy De Vega, hanga siya sa galing at dedikasyon ng Cloud 7 sa pagpe-perform sa kanilang audience.

Makakasama rin ng Cloud 7 sa concert sina Marianne Bermundo at Yancy De Vega, ang mga dating beauty queens na sumabak na rin sa mundo ng music at showbiz.

Sabi ni Marianne, marami ang mga dapat abangan sa kanilang concert, "Expect a heartfelt and dynamic performance. This is something that we've been really preparing for and I think you'd see our passion in our dancing and singing."

Dagdag naman ni Yancy, "Mag-e-enjoy po kayo sa performance namin, kasi hindi lang naman po kami puro sayaw, meron po kaming pine-prepare na sing and dance na pang-masa po."

Kasama pa sa guest performers ng Nasa Cloud 7 Ako benefit concert sina Jeri Violago, Stefani Santo, Yunah S. Peliño, Gil Froyalde, Aleck Calata at Rapper Blancka. May special performance rin si Cye Soriano, ang passionate advocate ng youth empowerment.

Para kay Richard, magandang oportunidad ang concert para makatulong sa mga nangangailangan at may sakit. "What I really wanted lang sana for the concert, is may beneficiary rin siya, para naman mayroon din katuturan ito, hindi lang puro glam ito. I wanted to have charity activities para at their young age, they will know how to share. You will never go wrong with kindness."

Sa naganap na mediacon, ipinagdiwang din ang kaarawan ng talent manager at magazine publisher na si Richard Hinola.


RELATED CONTENT: Meet Cloud 7, the rising P-pop group