GMA Logo Carlos Agassi
What's Hot

Carlos Agassi, 'seen-zoned' ng The Hunks?

Published March 1, 2025 5:32 PM PHT
Updated March 2, 2025 11:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Carlos Agassi


Ayon kay Carlos Agassi, nababasa daw ng The Hunks co-members ang kanyang mga mensahe pero hindi nagre-reply ang mga ito.

Halos wala na raw komunikasyon si rapper and actor Carlos Agassi sa dating co-members niya sa grupong The Hunks.

Ikinuwento 'yan ni Carlos sa isang video na ibinahagi niya sa kanyang social media accounts.

May nagtanong kasi sa kanya kung nagkikita pa sila ng dati niyang grupong The Hunks.

Ito ay grupo na binubuo nina Carlos, Jericho Rosales, Diether Ocampo, Bernard Palanca, at Piolo Pascual at nagepe-perform sila sa iba't ibang variety shows ng kanilang home network noon na ABS-CBN.


Ipinaliwanag muna ni Carlos ang rason kung bakit nabuwag ang grupo.

"Guys, kaya nga nabuwag kasi gusto ng kanya-kanyang career noong iba. Kasi 'pag group, pantay-pantay kami sa lahat eh--sa exposure, sa TF [talent fee], sa career. So para makaangat 'yung iba, parang nabuwag. Ganoon na nga 'yung nangyari. Eh 'di wala na, wala na talaga," lahad niya.

Matapos nito, inamin rin niya na hindi na rin sila nagkaroon ng pagkakataon para mag-usap.

"Kahit nga noong napilayan ako, walang nag-check sa akin. Pero hindi masama 'yun, okay lang. Ganoon talaga 'yung buhay eh," kuwento niya.

Ginunita rin ni Carlos ang mga pagkakataon na nagtutulungan sila kahit buwag na ang grupo.

"Naalala ko nga, nasa States ako, may magko-concert [na miyembro]. Babayaran raw nila ako para mag-guest. Sabi ko, 'Hindi, brother kita, kuya ko kayo lahat.' Ako pinakabata eh. 'Tara, walang bayad. I'll do it for you, my bro.' So, ginawa ko," aniya.

Hindi na raw sila ganito ngayon.

“Tapos, eto na, gumawa ako ng 'Milk Tea.' Marami akong minessage para lumabas sa music video. Seen [lang ang message sa chat]," ani Carlos.

Matatandaang ang "Milk Tea" ay self-produced single ni Carlos noong 2023 na may explicit at innuendo-laden lyrics. Kinastigo rin ito ng netizen at inilarawan bilang "transphobic."

Ipinagpatuloy ni Carlos ang pagkukuwento at sinabing nagkita pa raw sila ng former members the The Hunks sa recent birthday party ni Johnny Manahan o Mr. M na nagsilbing showbiz mentor ng grupo noon.

"Nagkita-kita kami noong birthday ni Mr. M. Siyempre, showbiz. 'Hi, guys!' Binati pa nila akong lahat. Sila unang bumati. Sabi ko sa sarili ko, 'Ibang-iba talaga sa showbiz at real life.' Ganoon talaga ang buhay, guys," paggunita niya.

Tanggap naman daw ni Carlos na sadyang ganito ang kalakaran sa showbiz.

"Hindi masama 'yun. Ganoon talaga 'yun. That's life, 'di ba? Kumbaga, magkakakumpitensiya kami. Ayaw nilang makabalik ako," sambit niya.

"Tama kayo. Mali ako. Walang hatred. Just love," pagtapos niya sa video.

A post shared by Carlos Agassi (@carlosagassi)


Sa hiwalay na video, idiniin ni Carlos na wala siyang inggit na nararamdaman sa ibang members the The Hunks.

"I'm very, very happy for them. Sobrang natutuwa ako for them. Kanya-kanya tayo ng path. Let's not compare ourselves to others," sabi niya.

A post shared by Carlos Agassi (@carlosagassi)


Sa mga miyembro ng The Hunks, aktibo pa rin sa showbiz sina Jericho, Piolo, at Bernard.

Wala pang recent TV series o movie si Diether pero paminsan minsan itong dumadalo sa malalaking showbiz events. Miyembro na rin siya ng Philippine Coast Guard Auxiliary na unarmed, uniformed volunteer organization na nagbibigay ng tulong sa Philippine Coast Guard.

Madalas pa rin ang paglabas ni Carlos bilang guest sa iba't ibang programa sa telebisyon at kasalukuyang nagko-concentrate sa pagbibigay ng fitness tips sa kanyang social media accounts.