GMA Logo SLAY teaser
What's on TV

GMA Network releases 'SLAY' teaser of the one who was slain

By Aimee Anoc
Published March 6, 2025 2:32 PM PHT
Updated March 12, 2025 2:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

SLAY teaser


Panoorin ang teaser ng GMA para sa murder mystery series na 'SLAY' rito. Abangan ang 'SLAY' sa GMA Prime ngayong Marso.

Naglabas na ng teaser ang Kapuso Network para sa pinakabagong murder mystery series na SLAY.

Sa teaser na inilabas noong Miyerkules (March 5), ibang side ng story ng SLAY ang mapapanood sa telebisyon kung saan matutunghayan ang point of view ni Zach, ang fitness influencer na nasunog at namatay.

Ipinasilip na rin ang ilan sa mga intense na eksenang dapat na abangan ng manonood sa upcoming murder mystery drama.

Bibida sa SLAY sina Gabbi Garcia bilang Amelie, Mikee Quintos bilang Sugar, Ysabel Ortega bilang Yana, at Julie Anne San Jose bilang Liv. Kasama ang Kapuso hunk actors na sina Derrick Monasterio bilang Zach at Royce Cabrera bilang Juro.

Mapapanood din dito ang mahuhusay na aktor na sina James Blanco, Tina Paner, Matet de Leon, Bernard Palanca, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, Jay Ortega, at Gil Cuerva.

Ang SLAY ang kauna-unahang Viu Original ng GMA. Ito rin ang unang pagkakataon na magkakaroon ng magkaibang point of views ang kuwento sa GMA at Viu Original.

Napapanood na ang SLAY sa Viu Original at abangan ito sa GMA Prime simula March 24.

TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG SLAY SA GALLERY NA ITO: