
Magbabalik sa telebisyon ang paboritong magical barkada dahil mapapanood sa GMA simula March 10 ang ikalawang season ng Australian series na The Bureau of Magical Things.
Panibagong adventure ang tatahakin nina Kyra (Kimie Tsukakoshi) at Darra (Julian Cullen) ngayong isang legendary temple ang kailangan nilang hanapin.
Sa kasamaang palad, isang mahiwagang bagay ang naging dahilan para magloko ang kapangyarihan ng mga fairy at elf. Masalba kaya ni Kyra ang mundo ng fairies at alves?
Muling sumama sa paglalakbay nina Kyra at ng kanyang mga kaibigan sa ikalawang season ng The Bureau of Magical Things simula March 10, 8:25 a.m. sa GMA.