GMA Logo Melai Cantiveros-Francisco, Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition hosts
Courtesy: Michael Paunlagui
What's Hot

Melai Cantiveros-Francisco, inilarawan ang 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'

By EJ Chua
Published March 7, 2025 5:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Presyo ng siling labuyo, umakyat na sa P800/kilo; kamatis, P200/kilo | One North Central Luzon
Marcos Jr. answers netizens’ funny Christmas questions
British designer Anya Hindmarch's Universal Bag launches in the Philippines

Article Inside Page


Showbiz News

Melai Cantiveros-Francisco, Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition hosts


Melai Cantiveros-Francisco sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition: “Parang miracle.”

Dalawang tulog na lang at mapapanood na ang pinakainaabangang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, ang bagong collab project ng GMA at ABS-CBN.

Kabilang sa mga talaga namang sabik na sabik na para rito ay ang Kapamilya star na si Melai Cantiveros-Francisco, na isa sa magsisilbing hosts ng programa.

Nakapanayam ng GMANetwork.com si Melai sa pictorial ng bagong set ng Pinoy Big Brother hosts at dito ay inilahad niya kung gaano siya kasaya sa mangyayaring collaboration.

Meet the Kapuso and Kapamilya hosts of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'

Biro ni Melai, “My take about this new collab is I have to take a bath every day. Siyempre may mga taga-GMA na tapos baka maamoy ako, charot.”

Kasunod nito, seryoso naman niyang inilarawan ang bagong season ng teleserye ng totoong buhay.

“Alam mo sobra, parang miracle. Miracle happens pala talaga lalo na at this moment na talagang nagkaroon ng collab edition. This is the biggest collab sa Pinoy Big Brother. Magsasama ang Kapamilya artists at Kapuso artists sa isang bahay.”

Lubos ding ipinagpapasalamat ng comedienne-host ang bago niyang proyekto kasama ang ilang Kapuso stars at kapwa niya Kapamilya artists.

“Amazing at talagang masasabi ko talagang Thank you, Lord kasi naging part ako nito. Thank you so much Kapuso and Kapamilya family,” dagdag niya.

Si Melai ay ang itinanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother Double Up noong 2010.

Makakasama niya bilang hosts ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sina Bianca Gonzalez, Gabbi Garcia, Robi Domingo, Kim Chiu, Enchong Dee, Alexa Ilacad, at Mavy Legaspi.

Mapapanood na ang pinakainaabangang programa sa darating na March 9.

Abangan ang iba pang detalye tungkol sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sa GMANetwork.com at iba pang social media platform ng GMA at ABS-CBN.

Related Gallery: GMA and ABS-CBN sign deal for 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'