
Walang katapusan pasasalamat. Ito ang nasa puso at isip ng Sparkle actress na si Bianca Umali na ipinagdiwang last week ang kanyang 25th birthday.
Kaya ang tanong ng 24 Oras sa dalaga, may birthday wish ba siya na gusto na matupad?
Sagot ng Sang'gre actress sa panayam sa kaniya na mas pinipili niya na magpasalamat sa lahat ng biyaya na natanggap niya for the last 25 years.
“Actually, hindi naman talaga ako humihiling. Every birthday palagi lang ako nagpapasalamat, kung ano pa 'yung mga biyayang iparating niya e, maraming salamat po. Pero wala na po ako hinihiling, because honestly kuntento naman po ako,” paliwanag ng Kapuso actress.
Masaya rin daw siya na nakapagdiwang siya kasama ng mga mahal niya sa buhay at malalapit na kaibigan sa show business.
“It felt good that I was able to celebrate my birthday, kasi, hindi ko naman po talaga ginagawa 'yun. Pero actually si Ruru talked me into it. And I'm glad he did, kasi it was an event that made me remember that there are people who loves me.”
“And I know the people who I love.”
RELATED CONTENT: BIANCA UMALI'S 25TH BIRTHDAY PARTY
Sa parehong ulat ng 24 Oras, ipinasilip din ang fight rehearsal nina Bianca Umali at Kelvin Miranda para sa much-awaited telefantasya series na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Ayon kay Bianca na hindi basta-basta ang fight training nila para sa engrandeng project na ito ng Kapuso Network.
Lahad niya sa Chika Minute, “Itong ni-rehearse ko today ay mahalagang eksena.”
“Hindi namin pinapabayaan basta-basta madali lang. We make sure that everything is aligned lalo kapag action-drama 'yung eksena and we do rehearse a day before.”
Binigyan-diin naman ng Kapuso hunk na si Kelvin Miranda na importante ang “disiplina” sa kanilang fight rehearsal.
“Kaya ka nagti-training, kaya mo siya inuulit para maiwasan 'yung mga ganun pangyayari. So, kailangan mo lang talagang maging disiplinado.”