
Talaga namang non-stop ang mga sorpresa ni Kuya para sa Pinoy viewers at pati na rin sa housemates.
Sa premiere ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na ipinalabas nitong Linggo, March 9, nagulat ang marami sa pagpasok ni Ivana Alawi sa iconic house.
Napanood sa unang episode ang pakikipag-usap ni Ivana kay Kuya habang nasa loob ng confession room.
Dito ay inilahad ni Kuya sa kaniya na siya ang kauna-unahang house guest sa bagong season.
Pahayag ng content creator, "Ngayon lang ako nakalayo sa pamilya ko na walang cellphone."
Matapos i-welcome si Ivana, ini-reveal ni Kuya ang kaniyang mahalagang task--ang mapaniwala ang mga nasa loob ng bahay na isa rin siyang housemate.
Magtagumpay kaya siya sa kaniyang task?
Samantala, kasama ni Ivana sa loob ng Bahay ni Kuya ang kapwa niya Star Magic artists na sina AC Bonifacio, Esnyr, Brent Manalo, Klarisse De Guzman, River Joseph, Ralph De Leon, at Kira Balinger.
Bukod sa kanila, nasa loob din ng Bahay ni Kuya ang Sparkle stars na sina Michael Sager, Ashley Ortega, AZ Martinez, Will Ashley, Josh Ford, Charlie Fleming, Dustin Yu, at Mika Salamanca.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
Related gallery: Meet the Kapuso and Kapamilya hosts of 'Pinoy Big Brother Celebrity
Collab Edition''