
Powerhouse collab alert ng mga K-pop dance legends dahil nagsama-sama sa iisang dance challenge sina BTS member J-Hope, Momo, at Nayeon ng Twice.
Sa official TikTok account ng BTS, sinayaw nina Momo at Nayeon ang kantang "Sweet Dreams" ni J-Hope na sumali rin sa dance challenge.
Marami ang nagulat sa kanilang collab at hindi napigilan ng mga ARMYs at Once na mag-comment sa video nito.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga ARMYs at Once:
@bts_official_bighit 👀눈으로 한번! 👂귀로 한번! 이 조합 세상 🥰Sweet! #jhope_SweetDreams #제이홉 #jhope @hobipower #TWICE #나연 #모모 @twice_tiktok_official ♬ Sweet Dreams (feat. Miguel) - j-hope & Miguel
Maliban sa nagdiwang na mga ARMYs at Once, hindi rin naitago ang saya ng mga CARATs dahil kasama sa mga kumasa sa "Sweet Dreams" dance challenge ay ang SEVENTEEN members na sina Woozi at Hoshi.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng ARMYs at CARATs:
@bts_official_bighit 영상에서 스윗한 하트BEAM💜이 쏟아져 내려와~ #제이홉 #jhope @hobipower #jhope_SweetDreams #호시 #우지 #HOSHI #WOOZI @SEVENTEEN ♬ Sweet Dreams (feat. Miguel) - j-hope & Miguel
Inilabas ni J-Hope ang "Sweet Dreams" kasama ang American singer na si Miguel nitong March 7.
Magbabalik din si J-Hope sa Manila para sa kaniyang kauna-unahang solo tour "Hope on the Stage" sa Abril.
Samantala, tingnan dito ang mga unexpected collab ng mga K-pop artists at western artists: