GMA Logo arci munoz
Photo Source: ramonathornes (Instagram)
What's Hot

Arci Muñoz, sa kanyang acting career: 'Babalik ako!'

By Nherz Almo
Published March 14, 2025 9:41 AM PHT
Updated March 14, 2025 2:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

arci munoz


Arci Muñoz, proud BTS Army: “Marami ring times na talaga na sinave ako ng BTS.”

“The best is yet to come.”

Ito ang mantra ni Arci Muñoz ngayong nagbabalik siya sa pag-arte. Ito ay hango sa isa sa mga kanta ng paborito niyang K-pop group na BTS, ang “Yet to Come (The Most Beautiful Moment).”

Bilang isang fan girl, sabi ni Arci, “Siya rin ang nagpapasaya sa akin. Marami ring times na talaga na sinave ako ng BTS. 'Tapos, malapit na sila ulit lumabas sa military, yehey, gastos. Kaya nagtatrabaho na ulit ako ngayon, e, para may pambili na ako ng ticket.”

Bukod dito, pasok din daw ang kantang ito bilang anthem ng kanyang buhay.

“Yun po, naniniwala ako na kahit sa dami ng pinagdadaanan ko, the best is yet to come!” nakangiting sabi ni Arci.

Paliwanag pa niya, “Habang buhay, may pag-asa. Alam mo, hindi naman matatapos ang challenges natin sa buhay. Habang buhay tayo, mayroon tayong mga pagdadaanan sa buhay. But we just have to accept and learn from it.

“So, it's a constant reminder to yourself na kaya mo, you're stong, you're unique, you're beautiful. Kailangan i-remind mo palagi ang sarili mo, and always God is by your side. Wala kang hindi kakayanin as long as God is beside you. Yun lang talaga ang kinapitan ko rin, my strong faith and my family.”

Nakapanayam ng entertainment media si Arci sa nakaraang media conference ng pelikulang Sinagtala, na pagbibidahan niya kasama sina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Rayver Cruz, at Matt Lozano.

Related gallery: Arci Muñoz, binasag ang pananaw na 'pasaway' siya noon sa 'StarStruck'

Aminado si Arci na natigil din siya sa pag-arte nitong mga nakaraang taon. Aniya hindi naman daw ito sadya, “Wala pa kasing dumating na project na talagang umantig ng puso ko. With every project that I do, si Arci ay nandun pa rin. One, there's a really good story. Number two, it's relatable and kung may maganda ba siyang maidudulot sa society. And dumating ang pandemic, matagal din na-hold ang shoots, di ba?”

Gayunman, ginawa pa rin niyang abala ang sarili.

“Nag-travel ako,” ani Arci. “Talagang naisip ko na lang na since wala pang dumadating and with the pandemic… Inaano ko na lang talaga, si God na lang talaga ang bahala. So, noong mga times na yun, inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pagta-travel.

“At saka yung mga time na di ako lumalabas sa TV at sa pelikula, nagpo-produce din po ako ng sarili kong pelikula. So, talagang kahit hindi ako nakikita sa pelikula o sa TV, ang dami ko talagang pinagkakaabalahan.

Kahit hindi na siya kasingdalas makita sa TV o sa pelikula, wala raw nararamdamang panghihinayang si Arci.

Katuwiran niya, “Bago pa po talaga ako magsimulang mag-artista or when I was starting, ayaw ko naman talaga to reach… Kasi, gusto ko talagang magbanda, e. Gusto ko nakakatambay pa rin ako, nakakatugtog kasama ng mga kabanda ko. Gusto ko lang talaga ng tahimik na buhay. Pero, siyempre, kasama sa trabaho ko yung ganito. I'm happy.

“Basta ako, nagpapasalamat lang ako dahil marami akong blessings, sorbra. Hindi naman ako nawawalan, e. Hindi yun ang sukatan para sa akin, e. Okay na yun, na iiwan ko sa mga tao na nakagawa ako ng magagandang pelikula, di ba? At saka nakatambal ko na ang [kilalang] leading men.”

Sa ngayon, tila handa na muling maging abala si Arci sa harap ng kamera.

Sabi pa niya, “Hindi pa naman tapos ang buhay. Hindi naman mawawala 'yan. First love ko rin naman ang pag-arte. Hindi pa tapos ang laban. Babalik ako!”

Samantala, tingnan ang pagbisita ni Arci sa luxurious Thai resort na nakita sa K-drama na King the Land: