
Grateful ang P-pop Kings SB19 sa "solid" na suporta ng kanilang mga tagahanga, ang A'TIN, para sa upcoming "SImula at Wakas" concert sa Philippine Arena.
Nagsimula ang ticket selling para sa kanilang concert noong Sabado (March 15), at agad itong na-sold out in less than seven hours.
"WE DID IT! We OFFICIALLY SOLD OUT the Philippine Arena in less than 7 hours," sulat ng SB19 sa kanilang post sa Instagram.
"From the bottom of our hearts, thank you so much for your overwhelming love and support. Solid kayo! We can't wait to see you all on May 31! Mahal namin kayo!" dagdag ng P-pop Kings.
Matapos ang concert sa Pilipinas, magpapatuloy ang kanilang "Simula at Wakas" world tour sa 18 pang cities sa Asia, Middle East, at North America.
Ang kanilang "Simula at Wakas" world tour ay parte ng kanilang promotion para sa kanilang ikatlong EP, ang Simula at Wakas, na ilalabas sa April 25.
Noong February 28, inilabas ng SB19 ang kanilang single na "DAM," kung saan ang music video nito ay kasalukuyang mayroong 14 million views sa YouTube.
SAMANTALA, MAS KILALANIN ANG P-POP KINGS SB19 SA GALLERY NA ITO: