
May nilulutong bagong proyekto si Mommy Grace Tanfelix!
Sa Instagram, isang teaser video ang ibinahagi ni Mommy Grace kung saan maririnig na sinasabi niya ang patok na linyang "Okay na 'to!" Maririnig din ang paglapag niya ng plato sa mesa kung saan ipinakita na sauce na lamang ang naiwan dito.
Ang teaser video ay collaboration post nina Mommy Grace, ng kanyang anak na si Miguel Tanfelix, at ng page na mommygracekitchen.
Ilan sa celebrities na nag-iwan ng comments sa post na ito ni Mommy Grace ay sina Kokoy de Santos, Rayver Cruz, at Derrick Monasterio.
Isa si Mommy Grace Tanfelix sa mga viral na food content creator ngayon, na kilala sa kanyang linyang "Okay na 'to!" Kasalukuyan siyang mayroong mahigit 13.9 million likes sa kanyang TikTok page at 3.1 million followers sa Facebook.
MAS KILALANIN SI MOMMY GRACE TANFELIX SA GALLERY NA ITO: