GMA Logo Julie Anne San Jose and Rayver Cruz
Source: rayvercruz
What's Hot

Julie Anne San Jose, proud kay Rayver Cruz at sa bago nitong pelikula

By Kristian Eric Javier
Published March 18, 2025 2:04 PM PHT
Updated March 19, 2025 11:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'One Battle After Another' leads Hollywood's Golden Globe nominations
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose and Rayver Cruz


Para kay Julie Anne San Jose, nag-e-excel ngayon si Rayver Cruz sa lahat ng kaniyang ginagawa.

Proud girlfriend si Julie Anne San Jose kay Rayver Cruz dahil sa bagong pelikula nito na Sinagtala kung saan gaganap ang aktor bilang miyembro ng isang rock band.

Bibida si Rayver sa upcoming musical film kung saan makakasama niya ang Kapuso stars na sina Rhian Ramos, Glaiza De Castro, at Matt Lozano, at si Arci Muñoz.

Sa panayam sa kaniya ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras nitong Lunes, March 17, ipinahayag ni Julie Anne kung gaano siya ka-proud kay Rayver.

“Sobrang galing niya and every day, sobrang nag-i-improve, nakikita mo 'yung progression, nakikita mo talagang love na love niya 'yung ginagawa niya. Whatever he's doing right now, he's really excelling at it,” sabi ng aktres.

Sa pelikula, ipapamalas ni Rayver ang hilig niya sa musika sa pamamagitan ng pagkanta at pagtugtog ng gitara. Sa isang panayam noong 2022, ibinahagi ng aktor na si Julie Anne mismo ang nagturo sa kaniya kung papaano tumugtog ng gitara.

KILALANIN ANG KAPUSO STARS NA KILALA RIN BILANG MGA SINGER SA GALLERY NA ITO:

Sa katunayan, noong 2023 ay bumili siya ng custom Gibson Les Paul guitar bilang early birthday present niya sa kaniyang sarili. Sa Instagram, ipinamalas niya ang kaniyang guitar skills nang tumugtog siya ng maikling guitar riff.

Sa isang mensahe na ipinadala niya noon sa GMANetwork.com, inamin ng aktor na matagal na niyang pinapangarap ang naturang gitara.

“Matagal ko na siyang ina-eye din, simula nu'ng nahilig ako ulit ako sa instruments and sa paggi-gitara, pero kasi inuna ko muna 'yung guitar ni John Mayer, kasi idol ko siya,” sabi ng aktor.

Bukod sa Instagram, ipinapamalas din ni Rayver ang kakayahan niya sa pagtugtog ng gitara at pagkanta kasama si Julie sa kanilang YouTube vlogs.

Panoorin ang panayam kay Julie dito: