Best reaction ng celebrities sa kanilang bashers

May mga imaheng inaalagaan ang bawat artista.
Pero sa panahong kailangan na nilang maglabas ng saloobin, ipinapakita nila ang kanilang kakayahan at karapatang magsalita lalo na kapag walang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanila.
Sa age ng social media, madali na lang ang mag-comment o punahin ang mga celebrity kahit pa walang ideya ang mga basher sa likod ng mga larawan o mga pinopost ng mga artista.
Kadalasan ay nagiging tampulan ng panlalait ang simpleng imperfection ng artista o kaya naman ay nagiging biktima sila ng fake news o misinformation ng dahil sa akusasyon o unverified facts tungkol sa kanila.
Kung dati ay hindi na lang nila pinapansin ang issue, ngayon ay wala na silang kiyemeng rumesbak sa kanilang bashers para ipagtanggol ang kanilang mga sarili, lalo na kapag nadadamay ang kanilang pamilya.
Alamin kung paano sinasagot ng ilang artista ang negative comments ng kanilang bashers sa gallery na ito:




















