
Bumibida ngayon ang aktor na si Khalil Ramos sa original musical na Liwanag Sa Dilim at sa pelikulang Olsen's Day na kabilang sa Puregold Cinepanalo 2025.
Sa Liwanag Sa Dilim, umani ng papuri si Khalil sa galing niya sa pag-awit, pag-arte, at pagsayaw ng mga kanta ni Rico Blanco.
"Kailangan talagang batakin 'yung range, magmula December pa lang, Tito Lhar, talagang nag-ensayo ako nang husto. Sobrang blessed din ako na 'yung cast, very matulungin sila," saad ni Khalil sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.
"May vocal teachers kasi na parte na ng cast kaya tinutulungan nila ako."
Mula sa teatro, tampok din si Khalil sa pelikulang Olsen's Day na sinulat at dinerehe ni JP Habac. Dahil sa sunod-sunod na proyekto, thankful si Khalil na nabibigyan siya ng pagkakataong ipamalas ang kanyang talento.
"Super salamat sa lahat ng blessings this year, sunod-sunod. I'm just very happy na I get to continue doing what I love doing which is storytelling," saad ni Khalil.
Nanghihinayang naman si Khalil na hindi nakadalo ang nobyang si Gabbi Garcia sa premiere night ng Olsen's Day dahil busy ang aktres sa shooting ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
"Nasa Bataan nga po ngayon, sabi ko kung maaga ka sana matapos, habol ka na lang, kaso, nandoon pa rin siya, Tito Lhar, e, pero happy kami na pareho kaming busy, we'll find time na lang to come again here to watch it," kuwento ni Khalil.
Ngayong summer na, saan kaya naiisip nina Khalil at Gabbi na magbakasyon?
"Parang nami-miss namin mag-beach, lalo na ngayon kasi ang init na, 'di ba? Isa sa mga paborito talaga namin, Siargao, Palawan, so, kung magkaroon ng time sana makalipad kami doon. Kung hindi, kahit siguro 'yung mga malalapit lang, Batangas, La Union," pagtatapos ni Khalil.
Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras: