
Mukhang hindi lang mga netizen ang gustong makilala ang pinakabagong housemate na si Bianca De Vera kundi pati na rin ang kapwa niya housemate na si Dustin Yu.
Habang nag-uusap sina Brent Manalo, River Joseph, at Ralph De Leon tungkol sa kanilang tipo base sa personality ng isang babae, ibinahagi ni Dustin na curious ito kay Bianca.
"Parang ang galing niya magpatawa e," sabi ni Dustin.
Inasar naman ni River agad ang kapwa niya housemate nang marinig ang komento ni Dustin.
"Feeling ko talaga bagay sila e," pang-aasar ni River.
Sumabat naman si Brent at tinanong niya sa mga boys, "Mafa-fall 'to no? Single pa siya [Bianca]."
"Pero syempre di pa natin siya kilala. Ako ewan ko sa kanila," paliwanag ni Dustin.
Sagot ni Brent, "Kilalanin mo."
"'Yun nga, that's the plan," sabi naman ni Dustin.
Ipinakilala si Bianca bilang official housemate noong March 18. Kinilala itong "Ang Sassy Unica Hija ng Taguig."
Samantalang, kilala naman si Dustin ngayon bilang "Chinito Boss-sikap ng Quezon City."
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Kilalanin si Dustin Yu sa gallery na ito: