What's Hot

Shan Vesagas, grateful kay Esnyr: 'I owe him my career'

By Kristine Kang
Published March 25, 2025 10:52 AM PHT
Updated March 25, 2025 10:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Thai esports player expelled from SEA Games for cheating
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

shan vesagas on esnyr


Labis nagpapasalamat at pinahahalagahan ni Shan Vesagas ang kanyang pagkaibigan nila ni Esnyr.

Isa sa Sparkle heartthrobs na kinagigiliwan ngayon si Shan Vesagas.

Bukod sa kanyang TV appearances, pinupusuan din online si Shan dahil sa kanyang nakakikilig na eksena sa mini-series ng content creator na si Esnyr.

Maraming fans ang kinikilig sa matamis na chemistry ng dalawa, lalo na't si Shan ang gumaganap bilang isa sa mga love interest ni Precious (ang karakter ni Esnyr).

Sa kanyang pagbisita sa "Unang Hirit Kitchen," binalikan ni Shan kung paano nagsimula ang kanyang pagkakaibigan kay Esnyr.

"Noong kinuha ako ni Esnyr, we're just social media friends talaga. Noong nangyari na 'yung series, doon po kami naging close talaga and winorkout ko 'yung relationship namin as friends," kuwento ni Shan.

Labis naman siyang nagpapasalamat kay Esnyr, hindi lang dahil sa kanilang pagkakaibigan kundi pati na rin sa naging impact nito sa kanyang career.

"I have to admit it na I owe him my career. He was the one who paved the way for me to even be here in GMA. So ayun admitted ko po iyon so talagang winorkout ko 'yung friendship namin," pahayag niya.

Kahit off-camera, masaya raw silang nagbo-bonding magkasama. "Even kahit hindi po kami nagta-taping or gumagawa ng content, we go out. We go out for dinner, we watch UAAP games together," aniya.

Nang matanong tungkol sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, nilinaw ni Shan na wala siyang naririnig na balita kung papasok siya sa Bahay ni Kuya.

Biro pa niya, "Hindi po patas 'yung laban", nang makita niyang magkasama sina Brent at Esnyr sa loob ng bahay. Si Brent ay isa rin sa mga naging love interest ni Esnyr sa kanyang ginawang mini series.

Gayunman, all-out pa rin ang suporta ni Shan sa dalawa, lalo na sa social media star.

"Sana magpakatatag ka pa dyan sa loob, kayo ni Brent. Sana magtuloytuloy 'yung journey niya dito sa PBB kasi alam ko po na dream niya talaga ito. Sabi po niya isa 'yan sa what ifs niya," masaya niyang pahayag.


Sa ngayon, napapanood si Shan sa youth-oriented show ng GMA Public Affairs na MAKA. Kasama niya ang iba pang Kapuso teen stars tulad nina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Elijah Alejo, John Clifford, at marami pang iba.

Kilalanin pa si Shan Vesagas sa gallery na ito: