GMA Logo Esnyr Will Ashley friendship in PBB
Photo by: Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition livestream
What's Hot

Friendship nina Will Ashley at Esnyr, pinusuan ng netizens

By Kristine Kang
Published March 26, 2025 3:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP probes security firm in QC car dealership shooting
Complete list of winners at the MMFF Gabi ng Parangal
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Esnyr Will Ashley friendship in PBB


Maraming viewers ang natuwa sa pag-uusap nina Will Ashley at Esnyr sa Bahay ni Kuya.

Patuloy na lumalalim ang pagkakaibigan ng Kapuso at Kapamilya housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Matatandaan na mas nakilala nila ang isa't isa sa isang open forum nang kinumpleto nila ang mga pangungusap na “I'm grateful for ___,” “I'm sorry to ___,” at “I want to connect with ___.”

Isa sa housemates na naging mas malapit sa isa't isa ay ang Kapuso actor na si Will Ashley at ang content creator na si Esnyr.

Sa nasabing open forum, naging mas vocal si Will sa kanyang pagpapahalaga kay Esnyr.

"Emotional siya para sa akin. Tagal na kitang gusto kausapin para sabihin sa'yo na na-appreciate kita," ani Will. "Narinig n'yo naman siguro na a week ago na sobrang down ako bago ako pumasok dito. Gusto ko lang mag-thank you [dahil] na-save mo ako doon sa lowest ko."

Bukod dito, marami rin ang natuwa nang magkaroon ng heart-to-heart talk sina Esnyr, Will, at Ralph. Dito, matapang na nag-open up si Esnyr tungkol sa kanyang nararamdaman sa loob ng Bahay ni Kuya.

"Iniisip ko na lang every day kailangan ko lumaban kasi babalik lang tayo sa konti lang binibigyan ng ganitong opportunity. Pero ganito pala siya," saad ni Esnyr.

Aminado rin ang social media star na ramdam niya ang kaba sa loob ng bahay, lalo na pagdating sa pagpapakita ng kanyang tunay na sarili.

Aniya, "Kinakabahan ako kasi feeling ko nalabas ko 'yung alas ko, e. 'Yung characters ko. Feeling ko, 'Ooh this is so early ah.' Parang what's next? Ano'ng pwede n'yong makita sa akin. Nape-pressure talaga ako. Pero syempre gusto ko talaga siyang ilaban kasi gusto ko na maging first LGBT [big winner]. Super long way to go."

Samantala, pinusuan ng fans ang naging reaksyon ni Will na tila raw kitang-kita kung gaano niya pinahahalagahan ang kanilang pagkakaibigan.

"Hindi ko alam kung makaka-help siya about sa pressure mo. Hindi ka naman mahirap mahalin, kumbaga intindihin," sabi ng Kapuso star. "Gaya ng sinabi natin kanina kung maging totoo lang naman talaga, at least no regrets. Ikaw na iyan, e. Hindi ka nagpakaplastik. Mahirap lang talaga maging trying hard. Pero ikaw talaga wala."

Ang kanilang interaksyon ay naging usap-usapan sa social media, kung saan maraming netizens ang humanga at natuwa sa kanilang genuine friendship. Marami ang pumuri sa pagiging maalaga at supportive ni Will kay Esnyr, gayundin sa pagiging totoo at matapang ng content creator sa pagbabahagi ng kanyang nararamdaman.

Dahil dito, may ilang fans na umaasang mas tatagal pa ang dalawa sa loob ng Bahay ni Kuya upang mas masubaybayan ang paglalim ng kanilang pagkakaibigan.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Bahay ni Kuya sa All-Access Livestream ng programa sa GMANetwork.com Full Episodes.

RELATED CONTENT: Kilalanin ang iba pang housemates sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition', dito: