
Isang exciting task ang natanggap ng celebrity male housemates mula kay Kuya sa latest episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Naatasan ang Pinoy Big Boys na magpakitang gilas, magbigay saya, magpatawa, at pagsilbihan ang kanilang housemates.
Related Gallery: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'
Bago simulan ang pinagagawa ni Big Brother, nagmadaling pumunta sa task room sina Will Ashley, Dustin Yu, Michael Sager, Josh Ford, River Joseph, Ralph De Leon, at Brent Manalo, para kuhanin ang kaniyang costumes at props.
Kasunod nito, labis na ikinagulat ng kanilang housemates at house guest na si Gabbi Garcia ang paglabas ng Pinoy Big Boys suot ang kanilang aprons habang pine-flex ang kanilang toned bodies.
Reaksyon at biro ni Esnyr tungkol sa pasabog na ito, “Pinoy Big Boys, ay Kuya, 'yung mata ko ay big eyes din talaga… Parang okay na po ako na wala kaming weekly budget this week.”
“Pinagsilbihan po kami, kami ay nasa fine dining restaurant,” dagdag pa niya.
Nag-request pa sa Pinoy Big Boys ang Kapuso It Girl ni Kuya at Pinoy Big Brother host na si Gabbi na sayawin nila ang TikTok trend na 'Alarma.'
Bukod sa housemates, mapapansin sa social media na talaga namang kinilig din ang viewers at netizens sa ginawa ng male celebrity housemates.
Huwag palampasin ang susunod na mga sorpresa mula kay Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.