GMA Logo Akusada, Andrea Torres
Courtesy: EJ Chua, GMANetwork.com
What's Hot

Andrea Torres, pinaghahandaan ang role sa 'Akusada'

By EJ Chua
Published March 27, 2025 5:02 PM PHT
Updated April 10, 2025 4:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Akusada, Andrea Torres


Paano kaya pinaghahandaan ni Andrea Torres ang kaniyang role sa suspense drama series na 'Akusada'?

Matapos mapanood sa iba't ibang drama shows sa GMA Prime, balik Afternoon Prime na si Andrea Torres ngayong 2025.

Kasalukuyan nang naghahanda ang Kapuso actress para sa Akusada, ang bago niyang proyekto na isang suspense drama series.

Related gallery: The cast of suspense drama 'Akusada'

Kakaibang role ang gagampanan ni Andrea sa seryeng ito na ayon sa kanya ay challenging at talaga namang bago para sa kaniya bilang isang aktres.

Sa naging panayam ni Nelson Canlas sa Kapuso star, ikinuwento ni Andrea kung paano niya pinaghahandaan ang kaniyang role sa upcoming series.

Paglalahad niya, “Pinanood po namin 'yung isang documentary na ginawa ni Ms. Kara David. Sobrang dami niyang natulong sa amin pagdating sa kung paano ko ipoposisyon 'yung sarili ko dito sa role na ito… Sa likod ng mga nakikita natin sa araw-araw natin na buhay, ito pala 'yung pinagdadaanan nila at ito pala 'yung proseso.”

Kasunod nito, sinabi ni Andrea na umaasa siya na sana ay maka-relate ang Pinoy viewers sa kaniyang bagong karakter at sa istorya ng mismong serye.

“I hope na maka-relate sila and maging informative din 'yung show namin,” sabi niya.

Matatandaang noong 2021 ay napanood si Andrea sa Legal Wives at naging parte rin siya ng cast ng drama romance na Love Before Sunrise.

Bukod sa mga ito, nakilala siya bilang si Sisa sa hit fantasy drama series na Maria Clara at Ibarra na ipinalabas sa GMA noong 2022 hanggang 2023.

Makakasama ni Andrea sa bago niyang proyekto ang Widows' War stars na sina Benjamin Alves at Lianne Valentin, at iba pang aktor.

Abangan ang pagsisimula ng Akusada ngayong 2025, sa GMA Afternoon Prime.