What's Hot

David Licauco, Sanya Lopez, Joel Torre, at iba pang cast ng 'Samahan Ng Mga Makasalanan', bumida sa kanilang media conference

By Maine Aquino
Published March 28, 2025 12:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Samahan Ng Mga Makasalanan cast


Magkakasamang nakipagkulitan ang cast ng 'Samahan Ng Mga Makasalanan' sa kanilang Media Conference noong March 27.

Masayang humarap sa entertainment press sina David Licauco, Sanya Lopez, Joel Torre, at iba pang cast ng Samahan Ng Mga Makasalanan para ibahagi ang kanilang ipinagmamalaking pelikula na ipalalabas ngayong April 19.

Kasama rin sa media conference ang mahuhusay na bahagi ng pelikula na sina Soliman Cruz, Betong Sumaya, Chariz Solomon, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Jay Ortega, Buboy Villar, at David Shouder. Dumalo rin sa media conference sina Chanty Videla, Liana Mae, Shernan Gaite, Yian Gabriel, Batmanunulat.

Ipinakilala rin sa entertainment press ang direktor nitong si Benedict Mique. Kasama ni Direk Benedict si Aya Anunciacion na isa sa mga sumulat ng Samahan Ng Mga Makasalanan.

Samantala, ikinuwento ni GMA Senior Vice President and GMA Pictures President Atty. Annette Gozon-Valdes ang kaniyang reaksyon nang mabasa ang kuwento ng Samahan Ng Mga Makasalanan.

"Actually noong nabasa ko 'yung story line ng pelikula sabi ko agad ang ganda-ganda nito dahil hindi lang ito nakakatawa, makatotohanan pa at may aral. Alam naman natin na tayo, sa totoong buhay, makasalanan."

Dugtong pa ng Kapuso executive, "Dahil dito sa pelikulang ito, makikita natin na sa tulong ng Diyos, lahat ng tao ay kaya magbago."

Dumalo rin ang co-producer ng pelikula na si Former Ilocos Sur governor Chavit Singson. Isa rin siya sa mga nakita sa official trailer ng Samahan Ng Mga Makasalanan.

Ibinahagi niya sa entertainment press ang magiging aral ng Samahan Ng Mga Makasalanan sa mga manonood nito sa mga sinehan.

"Magandang ehemplo 'yan para lahat ng mga makasalanan ay magbago. Sa pelikulang ito makasalanan sila, tapos nagbago. So may pag-asa pa ang mga makasalanan dito."

Ibinahagi naman ng lead actor na si David ang kaniyang aral na natutunan sa pelikula. Si David ay gaganap sa Samahan Ng Mga Makasalanan bilang si Reverend Sam.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Ani David, "In life, it's okay to commit mistakes, as long you learn from your mistakes and eventually hindi mo na siya gagawin ulit.

Dugtong pa ni David, "I think it's always better to know kung bakit mo siya ginawa, and then you learn from it, and then eventually hindi mo na siya gagawin in the future."

Samantala, abangan si David at ang cast ng pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan ngayong Sabado, March 29, sa SM City Caloocan para sa kanilang exciting na meet-and-greet.

Abangan sa mga sinehan ang pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan sa April 19. Sa direksiyon ni Benedict Mique at sa panulat nina Aya Anunciacion at Benedict Mique.

BALIKAN ANG MGA BEHIND THE SCENES PHOTOS NG 'SAMAHAN NG MGA MAKASALANAN'