
May bagong pasabog na sorpresa si Kuya para sa Kapuso at Kapamilya housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Related gallery: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'
Tiyak na kikiligin hindi lang ang housemates kundi pati na rin ang mga manonood sa pagdating nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa Bahay ni Kuya.
Exciting na mga eksena ang dapat abangan ngayong Biyernes, March 28, sa sorpresang pagdayo ng KimPau sa iconic house bilang bagong houseguests.
Sabay na makikisaya at makikipagkulitan ang dalawang aktor sa grand opening ng paresan sa Bahay ni Kuya.
Ano kaya ang hatol nina Kim at Paulo sa inihandang pagkain at negosyo ng celebrity housemates?
Bukod sa pagiging bagong houseguest, isa rin sa hosts ng programa si Kim Chiu.
Kasalukuyang naninirahan sa loob ng Bahay ni Big Brother ang Kapuso o Sparkle stars na sina Ashley Ortega, Dustin Yu, Will Ashley, Michael Sager, Josh Ford, Charlie Fleming, AZ Martinez, at Mika Salamanca.
Naroon din ang Kapamilya o Star Magic artists na sina AC Bonifacio, Esnyr, River Joseph, Ralph De Leon, Klarisse De Guzman, Kira Balinger, Brent Manalo, at Bianca De Vera.
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.