GMA Logo Rayver Cruz
Photo source: rayvercruz (IG), 24 Oras
What's Hot

Rayver Cruz, mas lumalim ang pagmamahal sa musika dahil kay Julie Anne San Jose

By Karen Juliane Crucillo
Published March 28, 2025 4:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: December 25, 2025 [HD]
Cop in CDO nabbed for indiscriminate firing on Christmas Day
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz


Rayver Cruz kay Julie Anne San Jose: "Sobrang galing talaga niya 'e."

Hindi lamang sa pag-ibig inspirasyon ni Rayver Cruz si Julie Anne San Jose kundi pati na din sa larangan ng musika.

Ayon sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Huwebes, March 27, naging malaking bahagi daw ang musika sa relasyon nina Rayver at Julie Anne.

Nabanggit ni Rayver na napalalim ni Julie Anne ang dati niyang pagmamahal noon sa musika. Kaya naman ngayon mas pinag-aaralan ni Rayver ang iba pang mga musical instruments para makasabay sa galing ng kaniyang girlfriend.

“Kapag magkasama kami sa isang prod or gumagawa kami ng covers or nagja-jam kami together parang spaced out ako na parang nandoon kami sa sarili naming mundo na kaming dalawa lang," ikinuwento ng Kapuso actor.

Dagdag nito, "Kapag tinititigan ko siya, parang lalo akong na-i-in love sa kaniya kapag sa mga prod namin. Sobrang galing 'e. Sobrang galing talaga niya 'e."

Inamin din ni Rayver na nagamit daw niya ang mga natutunan niya sa musika sa bago niyang pelikula na Sinagtala.

Makakasama ni Rayver sa pelikula sina Glaiza De Castro, Arci Munoz, Rhian Ramos, at Matt Lozano.

Mapapanood na ang Sinagtala sa April 2.

Panoorin ang buong balita dito:

RELATED: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz's cutest looks