
Isang pagkilala ang natanggap ni Kapuso actress Ashley Ortega mula sa 3rd Laurus Nobilis Media Excellence Awards.
Iginawad kay Ashley ang Media Excellence in Television Acting (Female) para sa pagganap niya bilang madre na naging comfort woman sa wartime drama series na Pulang Araw.
"Warmest congratulations to Ashley Ortega for achieving the Media Excellence in Television Acting (Female) at the Laurus Nobilis Media Excellence Awards 2025!
"Your inspiring dedication to your work, exceptional talent to connect with your audiences, and contribution to the Filipino media excellency proves you worthy of this recognition! 🏆," sulat ng Laurus Nobilis Media Excellence Awards sa Facebook.
Ang Laurus Nobilis Media Excellence Awards ay ang media award-giving body ng Lyceum of the Philippines University (LPU) Cavite para sa mga icon ng media na nagpakita ng kahusayan sa kani-kanilang larangan.
Ang winners ng Laurus Nobilis Media Excellence Awards ay malalaman sa pamamagitan ng mga boto mula sa mga mag-aaral, faculty, administrators, at staff ng LPU Cavite.
Samantala, bahagi si Ashley Ortega ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Isa siya sa housemates sa Bahay ni Kuya at binansagang Tis-ice Princess ng San Juan.
Kabilang din si Ashley sa mga nominado para sa kaunaunahang eviction night ng PBB Celebrity Collab Edition, kasama ang ka-duo niya na si Dedicated Showstopper ng Canada AC Bonifacio.
Mapapanood si Ashley Ortega sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.