GMA Logo ivana alawi
What's Hot

Ivana Alawi, sa Kapuso housemates: 'Napakabait'

By Kristine Kang
Published March 31, 2025 10:50 AM PHT
Updated March 31, 2025 2:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD includes high-density housing as option in 4PH Program
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

ivana alawi


Alamin ang kuwento ni Ivana Alawi sa kanyang experience bilang 'PBB' house guest:

Hindi malilimutan ng fans at netizens ang pagsali ng Phenomenal Content Queen na si Ivana Alawi bilang house guest sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Dahil sa kanyang pagiging totoo at natural, mabilis siyang minahal ng kanyang fellow housemates at mga sumubaybay sa programa.

Sa panayam niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ibinahagi ni Ivana na ang pagpasok sa Bahay ni Kuya ay isa sa kanyang pinaka-unforgettable experiences.

Isa sa mga paboritong moments ng vlogger-actress ay ang kanyang viral shower experience sa loob ng bahay.

"Ma'am Jessica, hindi ko po kaya ang ligo. Kasi alam ko po iyon, e. Nasabi na five minutes lang ang ligo sa PBB house. Huh, five minutes? Ano ko pa lang iyon, pagsasabon ko pa lang iyon. Ginawa ko, naligo po ako sa garden. Binuzzer po ako nang binuzzer, pero nakapag-shampoo ako [at] nakuskos ko siya, 'tapos kinuskos ko 'yung katawan ko. Kaya pagpasok sa loob, daming buzzer," natatawang kuwento niya.

Aminado rin si Ivana na noong una, iniisip niyang baka ma-eliminate agad siya dahil sa dami ng kanyang violations.

"Makulit po kasi talaga ako. 'Tapos bawal magmura, e, pala mura ako, Ma'am Jessica," dagdag niya.

Naging challenge din daw para kay Ivana ay ang pagiging conscious sa CCTV cameras na nakabantay sa bawat galaw nila sa loob. Pero habang tumatagal, naging mas kampante at nag-enjoy na lang siya kasama ang housemates.

"Noong unang araw conscious ako. Pero wala na akong pakialam parang na-enjoy ko na siya. Bahala kayo sa mga CCTV dyan. Basta ako magpapakatotoo ako," pahayag niya.

"What you see is what you get po talaga ako. Kung ayaw mo sa akin, okay lang ako. Kung gusto mo sa akin, salamat. Kaya po hindi ako natakot pumasok sa PBB."

Sa usapang bonding kasama ang housemates, ikinatuwa raw ni Ivana na mas makilala pa ang Kapuso housemates sa loob ng Bahay ni Kuya.

Aniya, "Noong una sabi ko, 'Hala baka mag-try parang competition na mag-angatan. Pero wala lahat pantay-pantay at na-enjoy ko sila. Napaka bait ng Kapuso stars. "

Sa sobrang saya ng internet star sa loob, gusto pa niyang bumalik sa Bahay ni Kuya para makasama muli ang housemates.

Aniya,"Nag-enjoy po talaga ako. Six days po ako kasi nandoon. Magiging attached po ako sa housemates kaya noong umalis po ako, umiiyak po talaga ako."

Panoorin ang buong panayam dito:

Si Ivana Alawi ang kauna-unahang celebrity house guest ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Una siyang ipinakilala bilang Phenomenal Content Queen ng Quezon City, kung saan nagkunwari muna siyang isang housemate.

Marami ang naging emosyonal, pati na ang viewers, nang nagpaalam na siya sa housemates at kinailangang lumabas na ng bahay.

Patuloy na mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.