
Kung madadagdagan ang mga housemates sa loob ng Bahay ni Kuya, mayroong suggestion ang PBB host na si Gabbi Garcia.
Sa nakaraang episode ng Fast Talk With Boy Abunda kasama si Heaven Peralejo, napag-usapan kung sino ang gustong ipasok ni Heaven sa PBB bilang housemate din ito noon.
Nabanggit ng aktres ang pangalan ni Mikee Quintos at sa episode nitong Martes, April 1, hindi nagpaligoy-ligoy si Gabbi na sabihin na gusto niya din makita si Mikee sa PBB.
"Ako din naman e', si Mikee 'yung ipapasok ko, Tito Boy. Kasi you want to know more about her and I feel like her vibrant personality will just fit right in inside the house," sabi ni Gabbi.
Nabanggit din ni Tito Boy ang pagiging open sa publiko ni Mikee tungkol sa kaniyang buhay at sumagot naman si Gabbi, "Which is what we all need."
"I like being open, being truthful, it's like my motto in life. Honesty really is the best policy," paliwanag ni Mikee.
Sumang-ayon naman si Tito Boy kay Mikee at sinabihan na si Mikee ay 'yung tipo ng tao na "What you see is what you get."
Kamakailan ay kinumpirma ni Mikee na hiwalay na sila ng kaniyang longtime boyfriend na si Paul Salas matapos itong tanungin ni Tito Boy kung totoo ang kuwentong naghiwalay na ang dalawa.
Diretsang sagot ni Mikee, "Opo, hiwalay na kami."
Nilinaw din ni Mikee na walang third party sa kanilang hiwalayan.
"'Yung 'Bakit?' I think it's better if you hear from him. That's better. Pero honestly, before today, pinag-iisipan kong mabuti kung magsasabi na ako sa public. Kung hindi, mahirap 'to for me," sabi ng SLAY actress. "It's a big jump. 'Yung feelings ko, kinokontra 'yung iniintindi sa brain ko, lahat."
Naikuwento ng aktres na isang buwan na silang hiwalay at pinag-usapan nila ni Paul ang desisyon na maghiwalay.
"'Yung will lang din ni Lord 'yung matutuloy sa ending so I'll just have faith on that na kung kami, kami. Kung kami, I know, siya na ang maghahanap ng way na mangyari, si Lord," dagdag ni Mikee.
"Wala akong regrets. Ako, wala akong regrets. Mahirap for me 'to, 'yung desisyon na ito," ani Mikee.
Samantala, tingnan ang relasyon nina Mikee Quintos at Paul Salas dito: