GMA Logo Klarisse De Guzman and Trina Rey
Photo source: Christrina Rey (FB), klarissedeguzman (IG)
What's Hot

PBB housemate Klarisse De Guzman, nakatanggap ng suporta mula sa girlfriend na si Trina Rey

By Karen Juliane Crucillo
Published April 6, 2025 11:21 AM PHT
Updated April 6, 2025 11:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH cancels opening of Davao City road project
Lee Victor, Iñigo Jose express admiration for Caprice Cayetano: 'She's like an angel'
BTS's Jin brings cocktail collab into the spotlight at fan event

Article Inside Page


Showbiz News

Klarisse De Guzman and Trina Rey


Trina Rey to girlfriend PBB housemate Klarisse De Guzman: 'YOU ARE MY BIG WINNER at IPINAGMAMALAKI KITA!'

Wala pang itinatanghal na big winner sa Bahay ni Kuya ngunit tila parang nanalo na si PBB housemate Klarisse De Guzman dahil sa mainit na suporta ng kaniyang girlfriend na si Christrina Rey na kilala rin bilang Trina.

Sa isang post ni Trina sa Facebook, nagpasalamat siya sa mga taong walang sawang sumusuporta kay Klarisse. Nagbigay rin siya ng nakakakilig na mensahe na puno ng pagmamalaki tungkol sa pag-amin ng housemate sa kaniyang tunay na sekswalidad.

"God's timing is perfect," isinulat ni Trina sa kaniyang caption.

"Thank you to our families for their unwavering support and understanding. Hindi madali ang lahat, pero hindi niyo po ipinaramdam sa amin na isa kaming pagkakamali," pagpapasalamat ni Trina.

Pinasalamatan isa-isa ni Trina ang mga mahahalagang tao sa kanilang buhay ni Klarisse na hindi kailanman nanghusga sa kanilang relasyon.

Dagdag nito, "To those people who supported Klang from the very beginning up to this point, I pray that you embrace and love her even more. Thank you Klarissenatics."

Sinabi ni Trina na hindi niya man mapasalamatan ang lahat, ibinahagi niya na ramdam niya ang pagmamahal at pagtanggap sa kanila ng mga tao.

"And to my special girl Klarisse--You deserve freedom, peace, love, and respect. This has never been easy, but you made us all proud," sabi ni Trina kay Klarisse. "Hindi mo lang pinalaya ang sarili mo, binuo mo ang pagkatao ko."

"Hindi man maintindihan ng lahat, pero mas dumami naman ang nagmamahal sa iyo," pagpapagaan ng loob ni Trina sa kaniyang girlfriend.

Hindi din napigilan ni Trina sabihin na nami-miss na niya si Klarisse.

"MABUHAY KA! SALAMAT AT NAGKULAY BAHAGHARI ANG GABI. MAHAL KA NAMIN. Whatever happens, YOU ARE MY BIG WINNER at IPINAGMAMALAKI KITA!" saad sa dulo ng kaniyang post.


Noong nakaraang linggo, inamin ng Kapamilya singer na siya ay miyembro ng LGBTQIA+ community at may karelasyon na siya sa loob ng apat na taon.

Hindi lamang sa labas ng Bahay ni Kuya tanggap si Klarisse, kundi pati na rin ng kaniyang mga kapwa housemate na sumalubong sa kaniya ng mahigpit na yakap pagkatapos niya ilahad ang kaniyang kuwento.

Si Klarisse ay kilala sa teleserye ng totoong buhay bilang "Kwelang Soul Diva ng Antipolo." Ang bago niyang ka-duo sa loob ng Bahay ni Kuya ay ang Sparkle star na si Will Ashley, na kilala bilang "Mama's Dreambae ng Cavite."

RELATED CONTENT: Meet Christrina Rey, PBB housemate Klarisse De Guzman's supportive partner