GMA Logo sanya lopez
Photo: Pinoy Big Brother YT
What's Hot

Sanya Lopez, naniniwala sa 'date to marry'

By Kristine Kang
Published April 8, 2025 10:41 AM PHT
Updated April 8, 2025 10:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Kuya Kim shares last family photo with daughter Emman Atienza from Christmas Eve 2024
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

sanya lopez


Pinag-usapan din ang reaksyon ng PBB housemates matapos aminin ni Sanya Lopez na siya'y 'NBSB.'

Trending online ang pagbisita ng isa pang Sang'gre star sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, na walang iba kundi si Sanya Lopez!

Puno ng kilig at tawanan ang pagbisita ni Sanya nang isalang siya sa isang dating game kasama ang Pinoy Big Boys.

Sa nasabing challenge, sumabak ang PBB boy housemates sa isang Q&A portion kung saan ibabase ni Sanya ang kanilang sagot sa pipiliing date.

Sa huli, si Ralph De Leon ang napiling lucky guy.

"Very grateful ang excited po akong makilala siya pa," reaksyon ni Ralph.

Bukod sa meryenda date nila, naging usap-usapan din online ang heart-to-heart talk ni Sanya kasama ang ibang housemates. Isa sa mga inamin ni Sanya ay ang kanyang pananaw pagdating sa pag-ibig.

"Lagi ako date to marry," ani ng aktres.

"Iyon nga 'yung isip ng mga tao sa akin, 'Bakit hindi ako nag-boyfriend?' Dahil ang gusto ko talaga kung sino 'yung ida-date ko, hopefully, siya 'yung magiging husband ko, maging partner ko talaga. So, hindi ako nakikipag-date just to, alam mo iyon, for fun, mag-enjoy lang, enjoy ang kabataan natin. Nagda-date ako to marry din talaga."

Nagulat naman ang housemates nang aminin ni Sanya, "So, ano ang ma-advice n'yo sa akin? Kasi, bilang ako ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend."

"Totoo? Never ate? Woah!" reaksyon ng PBB housemates.

Agad naging viral ang kanilang kuwentuhan sa social media at nag-trend pa ang official hashtag na #PBBCollabSanyaAll sa X (dating Twitter). May ilan din netizens ang humanga sa values ni Sanya pagdating sa relationships.

Patuloy mapapanood ang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Samantala, mapapanood si Sanya sa kanyang bagong pelikula na Samahan ng mga Makasalanan kasama ang Pambansang Ginoo na si David Licauco. Ipapalabas ito sa mga sinehan ngayong April 19.

Tingnan ang gorgeous photos ni Sanya Lopez sa gallery na ito: