
Si Sanya Lopez ang isa sa pinakabagong houseguest sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Related gallery: Celebrity houseguests sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
Sa kaniyang pagpasok, ipinakilala ang Sparkle actress bilang searcher sa blind date challenge ng limang male celebrity housemates.
Ayon kay Sanya, nung una ay kinabahan siya pero excited siyang makilala ang housemates na kasalukuyang nasa iconic house.
Si Ralph ang nanalo sa naturang challenge at siya ang naka-date at nakakwentuhan ng aktres.
“Could you do me the pleasure [of] having merienda with me?,” sabi ng Star Magic actor kay Sanya.
Labis na kinilig ang Kapuso at Kapamilya stars sa dalawa at tila gusto nilang masundan pa ang pagpapakilala nina Ralph at Sanya sa isa't isa.
Paglalarawan ni Ralph kay Sanya, “Naramdaman ko po talaga Kuya how genuine she was kung gaano po talaga siya kabait.”
Bago lumabas ng Bahay ni Kuya, nagpasalamat si Sanya sa lahat ng housemates.
Sabi niya, “Thank you dahil nakapasok ako sa Bahay ni Kuya at na-meet ko kayo. Sana next time hindi lang si Ralph ang makausap ko sana lahat kayo.”
Samantala, si Ralph ay kilala ngayon bilang Dutiful Judo-son ng Cavite.
Huwag palampasin ang susunod na mga pasabog na sorpresa mula kay Big Brother.
Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.