
Nagkaroon na ng pagkakataon ang aktres na si Sanya Lopez na pumasok sa Bahay ni Kuya bilang house guest ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Sa pagpasok ni Sanya sa loob ng bahay, sumabak siya sa isang dating game kung saan napili niya ang housemate na si Ralph de Leon.
Related Content: Meet 'PBB Celebrity Collab' housemate Ralph de Leon
Mas nakilala ni Sanya nang husto si Ralph nang magkaroon sila ng "meryenda date."
"Na-feel ko kaagad pagpasok ko, very welcoming naman lahat, and happy naman sila. Sana may chance na makakwentuhan ko 'yung bawat isa sa kanila kasi lahat sila may sense kausap, lahat sila matatalino, lahat sila magagaling," sabi ni Sanya sa panayam nila ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras.
Willing kaya si Sanya Lopez na maging housemate ni Kuya?
Sagot niya, "If given a chance, of course, pero nakakakaba. Sabi nga ni Kuya, 'Bukas pa naman 'yung pinto ko para sa 'yo.'"
Panoorin ang buong report ni Aubrey Carampel dito:
Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.