
Mapapanood ang Sparkle actress na si Elijah Alejo sa cast ng upcoming GMA drama series na Cruz vs. Cruz.
Sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, nag-eenjoy daw si Elijah sa set ng nasabing serye, kung saan kumpletong pamilya ang pakiramdam dahil sa magkakaiba nilang age range ng cast.
“May mga asaran na pampamilya. Like katulad po niyan, so far ako po 'yung bunso sa set, so ako po 'yung palaging pinagti-tripan doon,” kwento niya.
Kabilang sa stellar cast ng Cruz vs. Cruz sina Vina Morales, Gladys Reyes, Neil Ryan Sese, Kristoffer Martin, Pancho Magno, Lexi Gonzales, Gilleth Sandico, Caprice Cayetano, Cassy Lavarias.
RELATED GALLERY: Cast ng upcoming GMA drama series na 'Cruz vs. Cruz,' kilalanin!
Panoorin ang buong 24 Oras report sa video na ito.
Kasalukuyang napapanood naman si Elijah sa youth-oriented series ng GMA Public Affairs na MAKA Season 2.
Bukod sa pagiging aktres, isang entrepreneur din ang Sparkle star dahil mayroon siyang sariling perfume line na pinamagatang Haliya by Elijah Alejo.