
Bahagi ng special Holy Week programming ng GMA ang beloved at award-winning Christian historical drama na The Chosen.
Isa itong serye tungkol sa buhay ni Jesus mula sa pananaw ng mga taong nakasalamuha niya tulad ng isang mangingisdang baon sa utang, babaeng sinasapian ng mga masasamang elemento, kolektor ng buwis na itinakwil ng sarili niyang pamilya at kalahi, at religious leader na nagkakaroon ng pag-aalinlangang sa kanyang pananampalataya.
Hinirang din ito bilang Television Series of the Year noong 2023 sa GMA Dove Awards ng Gospel Music Association of the United States.
Nabingwit din ni Jonathan Roumie na gumaganap sa serye bilang si Hesus ang Grace Prize noong 2020 mula sa Movieguide Awards na isang annual Christian entertainment awards ceremony.
Crowdfunded ang unang season ng The Chosen at naging streaming hit ito sa The Chosen app, pati na sa iba pang digital platforms.
Ngayon, mapapanood na ito sa telebisyon sa Pilipinas.
Abangan ang The Chosen sa April 17 (Maundy Thursday), 2:30 p.m.; April 18 (Good Friday), 3:00 p.m.; at April 19 (Black Saturday) 3:00 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, NARITO ANG SNEAK PEEK PARA SA THE CHOSEN: