GMA Logo Will Ashley, Bianca De Vera
What's Hot

Will Ashley hopes for second chance on friendship with Bianca De Vera

By EJ Chua
Published April 10, 2025 4:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley, Bianca De Vera


Will Ashley kay Bianca De Vera: “I value you a lot…ikaw talaga 'yung nakakaintindi sa akin out of all people dito sa loob ng bahay..."

Kabilang sa sinusubaybayan ng viewers at netizens sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Editon ay ang seryosong conversations nina Will Ashley at Bianca De Vera.

Sa isa sa episodes ng teleserye ng totoong buhay, muling pinag-usapan nina Will at Bianca ang tungkol sa kanilang past issue na tila hindi pa nare-resolve.

Marami ang nagulat sa biglaang pag-open up ng Sparkle actor ng kanyang nararamdaman.

Unang sinabi ni Will kay Bianca, “I know I'm friends with Dustin [Yu] pero seriously, I want to be friends with you kasi alam ko na isa ka sa makakaintindi talaga sa akin. I know that you know a lot from me. I opened up to you a lot.”

Kasunod nito, sinabi niyang na-appreciate niya ang mga ginawa noon ni Bianca para sa kanya.

Sabi niya, “Basta, I just want to take this opportunity to tell you what I feel kasi I can't tell you this tomorrow kasi wala kong lakas ng loob talaga, kilala mo naman ako sa personal… I just wanted you to know na I appreciate you, you help me a lot. I hope na alam mo 'yun.”

Sagot naman ni Bianca kay Will, “Thank you. That took you two years to tell.”

“Seryoso, the support you gave me two years ago never kong makakalimutan… Hindi biro 'yun ah. September to October nakilala natin ang isa't isa. I value you a lot.”

Ayon kay Bianca, grateful siya sa mga narinig niya mula kay Will.

“I just hope na maging okay talaga 'tong, let's say second chance. Na-appreciate ko 'yun kung paano kita nakiikita every day… I really am happy pero gaya nga ng sabi ko sa'yo, whatever happens ire-respect ko. Whatever your decision will be ire-respect ko talaga. Basta kung saan ka happy, I'll be happy.”

Kasunod nito, sinabi pa ni Will na gusto niyang maging komportable sa kanya si Bianca gaya ng pagiging komportable niya sa huli.

“Gusto ko lang maging comfortable ka talaga sa akin. Gusto ko isa ako sa masabihan mo ng problems mo.”

Naging emosyonal si Bianca nang marinig niya kay Will na, “Ako personally, gusto ko talaga ikaw 'yung masabihan ko ng problems ko kasi ikaw talaga 'yung nakakaintindi sa akin out of all people dito sa loob ng bahay, iyon 'yung intention ko.”

Sina Will at Bianca ay naging co-stars noon sa isa ring collaboration project ng GMA at ABS-CBN na Unbreak My Heart.

Samantala, mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga nangyayari ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.