Article Inside Page
Showbiz News
Matapos mapanood ni Barbie Forteza ang 'Samahan ng mga Makasalanan' tila may napansin ang aktres sa lead star at ka-love team nito na si David Licauco. "Napansin ko buong pelikula lagi lang siyang..."
"Ang galing galing naman ni Reverend Sam! Ang galing galing, good job!"
Ito ang saad ni Barbie Forteza pagkatapos niyang mapanood ang pelikulang pinagbibidahan ni David Licauco na Samahan ng mga Makasalanan.
Si David ay gumaganap na Reverend Sam sa bagong pelikulang handog ng GMA Pictures na ipapalabas sa April 19.
Kuwento ni Barbie na dumalo sa premiere night ng
Samahan ng mga Makasalanan kagabi, April 10, "Ay grabe! Life changing, eye-opening, breathtaking!"
Kasama ni David sa "makasalanang premiere night" ang kaniyang co-stars na sina Joel Torre, Soliman Cruz, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Jay Ortega, Buboy Villar, Chanty Videla, Liana Mae, Tito Abdul, Tito Marsy, Shernan Gaite, Yian Gabriel, at Batmanunulat.
Inilahad pa ni Barbie ang kaniyang napansin kay David sa pelikula.
Ani Barbie, "Sabi ko nga sa kaniya, bagay sa kaniya pag laging nakangiti. Napansin ko buong pelikula lagi lang siyang nakangiti."
Sa direksyon ni Direk Benedict Mique at isinulat nina Aya Anunciacion at Benedict Mique, panoorin ang Samahan ng mga Makasalanan simula April 19 in cinemas nationwide.