
Dalawang araw matapos na ilabas ang "Bagong yugto. Bagong kalaban. Bagong tagapagligtas" teaser ng inaabangang Encantadia Chronicles: Sang'gre ay umabot na ito sa mahigit 24 million views online.
Talaga namang pinag-usapan at mainit na sinuportahan ng marami ang pinakabagong teaser na ito, kung saan ipinakita na ang ilan sa mga nakamamanghang eksenang dapat abangan sa superserye.
Tulad na lamang ng pagbabalik ng 2016 Sang'gre na sina Kylie Padilla bilang Amihan, Glaiza de Castro bilang Pirena, Sanya Lopez bilang Danaya, at Gabbi Garcia bilang Alena.
Ipinasilip na rin ang powerful scenes ni Rhian Ramos bilang ang ice queen na si Mitena, ang isinumpang kakambal ni Cassiopea na lulusob at gugulo sa mundo ng Encantadia.
Hindi rin dapat palagpasin ang new-gen Sang'gres na sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia.
Panoorin ang bagong teaser ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa video na ito:
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre soon sa GMA Prime.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA EKSENANG IPINASILIP SA BAGONG TEASER NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: