
Matapos pumasok sa PBB bilang guest housemate, abala ngayon sa kaliwa't kanang ganap ang Sparkle artist na si Michelle Dee.
Ayon sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Lunes, April 14, patuloy ang pag-promote ng beauty queen sa kaniyang debut single na "Reyna." Todo din ang pasasalamat nito sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kaniya.
"Siyempre, to everyone that's continuing to support my debut single 'Reyna,' Please keep doing it, we have put in so much hard work,” sabi nito habang pinasalamatan din niya ang Star Music at GMA Network sa pagtulong sa kaniya mai-produce ang kaniyang debut single.
Simulang napakinggan ang debut single na "Reyna" ni Michelle noong March 7 bilang pagpugay sa Women's History Month.
Pinerform niya din ang kaniyang debut single sa Bench Body of Work fashion show noong March 21.
Samantala, inilabas naman niya ang official music video nito noong April 1 sa kaniyang YouTube channel, na mayroon na ngayong 237K views.
Ibinahagi ni Michelle na ang kanta niya ay tungkol sa "confidence, self-love, and owning your crown."
Panoorin ang buong balita dito:
RELATED CONTENT: Tingnan dito ang 'poganda' photos ni Michelle Dee: