GMA Logo Shuvee Etrata at Xyriel Manabat
Photo source: shuveeetrata (IG), xyrielmanabat_ (IG)
What's Hot

Shuvee Etrata at Xyriel Manabat, nagpasaya sa kanilang unang araw sa 'PBB Celebrity Collab Edition'

By Karen Juliane Crucillo
Published April 15, 2025 5:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Presyo ng siling labuyo, umakyat na sa P800/kilo; kamatis, P200/kilo | One North Central Luzon
Marcos Jr. answers netizens’ funny Christmas questions
British designer Anya Hindmarch's Universal Bag launches in the Philippines

Article Inside Page


Showbiz News

Shuvee Etrata at Xyriel Manabat


Punong-puno ng energy sina Shuvee Etrata at Xyriel Manabat sa kanilang pagpasok sa Bahay ni Kuya.

Sa unang pasok pa lang nina Shuvee Etrata at Xyriel Manabat sa Bahay ni Kuya, good vibes na agad ang hatid nila sa mga housemates.

Masayang sinalubong ni Kuya sina Shuvee at Xyriel bilang pinakahuling celebrity housemates na papasok at bubuo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition nitong Linggo, April 13.

Ang pinakaunang ipinakilala ni Kuya sa mga housemates ay ang bagong Kapuso housemate na si Shuvee na binansagang "Ang Island Ate ng Cebu."

Sa pagpasok ni Shuvee, napasigaw sa tuwa ang kapwa Kapuso housemate nito na si AZ Martinez.

“Happy po ako at na-excite po ako kasi kilala ko na po si Shuvee even before pumasok ako sa showbiz," ikinuwento ni AZ.

Huling ipinakilala naman ni Kuya ang bagong Kapamilya housemate na si Xyriel na binansagan naman bilang "Ang Golden Anaktres ng Rizal."

Napasigaw din si Ralph nang makita niya si Xyriel dahil nakatrabaho na niya ang aktres at magkaibigan na sila sa labas.

Kasabay nang reaksyon ni Ralph, sumunod na nagsigawan ang iba pang mga housemates.

Nabanggit ni River, "Grabe 'yung energy na dinadala nila."

Sinalubong naman ni Xyriel si Bianca De Vera ng isang mahigpit na yakap at biglang nagtalunan sa tuwa ang dalawa sa kanilang pagkikita.

“I don't know why when she came in, I just felt like… the sense of home again from the outside world. So, sobrang saya ko wala akong masabi,” sabi ni Bianca.

Hindi pa din maka-get over si River at napansin nito na ang energy nila ay parang katumbas ng tatlong Esnyr.

Habang patuloy na kinikilala sina Shuvee at Xyriel, napag-usapan din ng mga boys ang mga bagong housemates.

“Si Shuvee kaya ko pa, pero parang si Xyriel parang isang conversation pa lang, parang batt out na ako bro,” ibinahagi ni Brent.

“Grabe yung energy nila sobrang taas. Siguro may na-discover na ako agad sa sarili ko na introvert ako,” sabi naman ni Vince.

Sa unang araw, binigyan sila ng isang task kung saan mayroong press conference na inihanda ang mga naunang housemates.

Para mas makilala ang mga bagong housemates, naghanda sila ng mga katanungan tungkol sa buhay nina Shuvee at Xyriel.

Huwag palampasin ang mga susunod na task at iba pang mga pasabog sa loob ng Bahay ni Kuya.

Mapapanood ang pinag-uusapang programa, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.

RELATED CONTENT: Kilalanin dito ang mga Kapuso at Kapamilya house ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition