
Mag-iisang linggo na ang nakalipas mula nang ma-evict ang PBB housemates na sina Charlie Fleming at Kira Balinger (ChaKira) sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Matatandaang naging emosyonal ang dalawa sa kanilang pag-alis, at masayang nakapiling muli ang kanilang pamilya, kaibigan, at fans sa outside world.
Kamakailan lang, muling nagsama sina Charlie at Kira upang kumustahin ang kanilang pagsisimula muli sa labas ng Bahay ni Kuya.
Parehong aminado ang ChaKira na nakaranas sila ng separation anxiety (sepanx) sa mga naiwan nilang housemates.
"I really miss Brent (Manalo) a lot," inamin ni Charlie. "He was one of my safe spaces inside the house and siya talaga po 'yung ayaw niyang aalis ako and least expected ko na malulungkot."
Para naman kay Kira, labis niyang nami-miss ang Kapuso housemates na sina Josh Ford at AZ Martinez.
"If you're familiar po with the book club sila na lang po 'yung natitira sa loob and gaya po ng sinabi ni Charlie I found a safe space with them," dagdag niya.
Kahit nasa outside world na sila, patuloy pa rin ang suporta nina Charlie at Kira para sa mga natitirang housemates sa loob ng PBB house.
"I would really just tell them to take care of one another. It was really hard po inside if wala kang someone that you could lean on and I hope they know that we're all here waiting for them," mensahe ni Charlie.
Ani Kira, "Be strong, keep God in your heart and always love one another. Kung may problema, talk it out agad kasi it's hard to have 'yung mga tampuhan when you're living together."
Sa ngayon, naka-focus daw ang ChaKira sa pagbawi ng oras sa mga nawian nila sa outside world.
"I saw my friends a while ago and I talked to a few of them. We're really planning to spend time po this Holy Week kahit short gala lang po, kain, and just getting to catch up again because it's been a month and a week since I haven't seen them," pahayag ni Charlie.
Pagdating naman sa career, excited si Kira na makabalik sa showbiz. "I'm really looking forward to working. Nami-miss ko na po talaga magtrabaho. I just really hope that, fingers crossed, I have lots of work coming my way. Talagang nami-miss ko na talaga umarte," sabi niya.
Sina Charlie at Kira ang pangalawang evicted PBB duo, matapos mauna sina Ashley Ortega at AC Bonifacio.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Bahay ni Kuya sa All-Access Livestream ng programa sa GMANetwork.com Full Episodes.
Balikan ang PBB post-eviction moments nina Charlie Fleming at Kira Balinger sa gallery na ito: