
Umaga pa lang ay katatawanan na ang hatid sa mga Kapuso ng Lakorn series na The Cheery Lee, Village Headman na mapapanood tuwing 9 a.m. simula April 21.
Umiikot ang kwento ng The Cheery Lee, Village Headman kay Lee, isang kilalang makeup artist na kilala sa siyudad bilang si Leena. Kinailangan bumalik ni Lee sa kanyang hometown para palitan ang kanyang ama bilang village headman.
Ang makakalaban niya sa pagka-village headman ay si Bank, na anak ng isang loan shark.
Mapanindigan kaya ni Lee na gampanan ang buhay na malayo sa kinasanayan niya? Babaguhin niya kaya ang sarili niya para manalo o magiging totoo sa kanyang sarili kahit na matalo?
Panoorin ang The Cheery Lee, Village Headman, 9:00 a.m. sa GMA simula April 21.