
Sa panayam niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho naikwento ni David Licauco kung paano siya napadala sa barangay noong siya'y bata pa.
"Na-barangay po ako dati, when I was 14 years old. Alam niyo po ýung ding-dong-ditch?" saad ni David kay Jessica Soho.
"Mag-di-ding-dong ka sa isang bahay, tapos tatakbo ka," aniya.
"Kasama ko 'yung mga barkada ko, sa isang bahay lang po kami nag-door bell for three days.
"And then, on the fourth day, nakaabang na 'yung mga barangay sa village," kwento ni David.
Bagamat walang naging matinding parusa, at sa halip ay natawa na lamang ang mga barangay officer sa kanya, nadala na raw si David sa naging pangyayari.
Natuto na raw si David dahil sa nangyari at binalaan ang mga kabataan na 'wag itong tularan.
"Nahuli po kami ng barangay. That was so bad, wag niyong gagawin 'yun.
"I'm really sorry, I know that was wrong, now that I'm older. I'm really, really sorry.
Naibahagi niya rin ang kanyang pag ganap bilang pari sa bagong pelikula niyang Samahan ng mga Makasalanan kung saan kasama niya sila Joel Torre, Sanya Lopez at marami pang ibang kilalang artista.
"The premise of the story is, I'm a priest and I come to a new city. Ang mission ko is to help them be better."
Abangan ang comedy-satirical film na Samahan ng mga Makasalanan ngayong April 19, mula sa direksyon ni Benedict Mique.
Patuloy na panoorin ang Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing linggo 8:15 ng gabi sa GMA Network.