GMA Logo BINI, Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
What's Hot

BINI Jhoanna at BINI Stacey, bagong houseguests sa Bahay ni Kuya

By EJ Chua
Published April 16, 2025 5:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No new regulations vs imported cars, modifications, tire age — LTO chief Lacanilao
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar

Article Inside Page


Showbiz News

BINI, Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition


Ano kaya ang tasks nina BINI Jhoanna at BINI Stacey sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'?

May bagong pasabog na sorpresa si Kuya sa celebrity housemates at viewers ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Bago ang big revelation tungkol sa mga bagong bisita, may kaniya-kaniyang hula na ang netizens kung sino sa Filipino girl group na BINI ang papasok sa Bahay ni Kuya bilang houseguests.

Related gallery: Celebrity houseguests sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'

Isang larawan ang ibinahagi ng BINI sa kanilang Facebook page, kung saan makikita ang dalawang tao na itinatago ang kanilang mga mukha gamit ang robe na may hood.

May post din ang GMA Network tungkol dito, at sa kasalukuyan ay pinag-uusapan ito sa social media.

Mababasa sa comments sections ng posts ang hula at requests ng netizens tungkol sa panibagong sorpresa ni Kuya.

Bukod sa netizens, tila hindi rin nagpahuli sa paghula ang fans ng BINI na kilala sa tawag na Blooms.

Sa bagong post ng Pinoy Big Brother, ini-reveal na sa netizens na sina BINI Jhoanna at BINI Stacey ang bagong makakasama ng celebrity housemates.

Ano kaya ang magiging kaganapan sa Bahay ni Kuya ngayong Miyerkules, April 16 sa pagpasok ng dalawang BINIbini?

Abangan 'yan sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, mapapanood tuwing weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.