
Single sa ngayon si Kapuso actor at Pambansang Ginoo David Licauco.
Dahil dito, marami ang madalas magtanong tungkol sa estado ng kanyang puso.
Ayon sa aktor, isa ito sa mga bagay na matagal na niyang napagplanuhan.
"I want to get married in like, five, six years from now. I'm not in a rush naman," bahagi ni David.
Idinaan naman niya sa biro nang i-point out sa kanya na tila mabilis na lang at malapit na ang lima hanggang anim na taon.
"I don't know. Who knows, baka mamaya ten years pala. Baka bukas?" aniya.
Inilarawan din si David ang katangian ng taong nais niyang mapangasawa.
"Someone who is understanding, compassionate, may empathy, and self-aware and in touch with life. Of course, aalagaan ako, mahal ako," lahad niya.
Samantala, malapit nang mapanood si David bilang isang pari sa upcoming movie na Samahan ng mga Makasalanan.
Kuwento ito ng isang baguhang pari na madedestino sa Sto. Cristo, bayan na puno ng mga sugarol, magnanakaw, chismosa, at iba pa.
"Being a priest is not usual in an acting set up 'di ba? Noong binigay sakin 'tong role na 'to, I took it as a challenge. 'Yun naman 'yung beauty ng acting, ng trabaho namin--you get to play different roles, mga characters na malayo sa 'yo," paliwanag ni David.
"With this particular role, I asked myself if kaya ko kasi siyempre being a priest is different. Of course, 'yung challenge naman noon as an actor is kung paano mo siya mapo-portray na entertaining pa din," dagdag niya.
NARITO ANG PASILIP SA MGA DAPAT ABANGAN SA SAMAHAN NG MGA MAKASALANAN:
Makakasama ni David sa pelikula sina Sanya Lopez, Joel Torre, Soliman Cruz, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Jay Ortega, Buboy Villar, Chanty Videla, at marami pang iba.
Mapapanood ang Samahan ng mga Makasalanan simula Black Saturday, April 19, sa mga sinehan nationwide.