
Ongoing at hands-on sa paghahanda ng ilang Kapuso stars na parte ng star-studded cast ng upcoming suspense drama series na Akusada.
Itinampok ang ilang detalye tungkol sa bagong serye sa "Chika Minute" report na ipinalabas sa 24 Oras noong nakaraang Miyerkules, April 16.
Sa naturang report, inilahad na sumalang sa workshop ang Akusada stars kasama si Ana Feleo para mas makilala nila ang kanilang mga gagampanang mga karakter.
Related gallery: The cast of suspense drama 'Akusada'
Game na game na sumabak dito ang Kapuso actress na bibida sa serye na si Andrea Torres.
Pahayag niya tungkol dito, “Ngayon na nag-workshop kami parang mas nagiging tao sa akin 'yung karakter ko. Ang goal naman kasi talaga is to be a storyteller, na maka-relate 'yung mga tao.
“Every layer na nalalaman ko tungkol sa kanya [character], lalo ako nai-inlove sa kanya,” dagdag pa ni Andrea.
Bukod sa kaniya, hindi rin pinalampas nina Benjamin Alves, Lianne Valentin, Marco Masa, Ashley Sarmiento, at Jennifer Maravilla ang naturang workshop.
Ayon kay Lianne, “Sa character ko, mas naiintindihan ko saan siya nanggagaling. Bakit siya may ganong galit? Or bakit siya may ganon…”
Panoorin dito:
Matatandaang idinaos ang story conference at script reading para sa upcoming suspense drama series na pagbibidahan ni Andrea noong March 24.
Huwag palampasin ang pagsisimula ng Akusada ngayong 2025 na, sa GMA Afternoon Prime.